Water Pollution
Ang
Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng libu-libong mga isla. Bukod sa
pagtatanim, nabubuhay ang PIlipinas sa pangingisda.
Napapalibutan
ang bansa ng tubig, na siyang naging daan para makilala ang Pilipinas bilang
isang fishing country. Maraming iba’t
ibang uri ng isda na matatagpuan lamang sa bansa; marami ding mga endangered species na hindi matatagpuan
sa ibang lugar. Maraming ibang bansa sa buong mundo ang kulang o di kaya ay
malayo sa mga katubigan, ngunit ang PIlipinas ay walang kakulangan dito.
Ngunit
sa kabila ng mga kakaiba at magagandang mga bagay na ito, hindi pa rin
napipigilan ang paninira, pambababoy at pagdumi sa mga yamang-tubig na ito. Dahil
sa kakulangan ng pagpapatupad ng proteksyon sa mga yamang ito, 52% ng groundwater sa Pilipinas ay kontaminado
na. Ayon sa pag-aaral, malaki ang bahagi ng mga domestic at industrial waste
na nanggagaling sa mga pabrika. 1/3 lamang ng mga river systems sa PIlipinas ang magagamit para sa tubig na pang-inom.
Dahil
sa kalagayan ng mga katubigan sa Pilipinas, naapektuhan hindi lamang ang
pangingisda ng bansa, kung hindi pati ang turismo ng bansa. Malaki ang bahagi
ng kagandahan ng katubigan ng PIlipinas sa pag-akit ng mga turista sa bansa. Naghahanap
ang mga turista ng mga magaganda at kaakit-akit na lugar upang makapag-pahinga,
ngunit hindi nila ito mahahanap kung puro basura ang mga katubigan na dapat ay
nililinis natin.
Bukod
dito, nakaaapekto din ang polusyon sa mga naninirahang isda. Malaking bahagi ng
pagkaing Filipino ang mga isda. Marami din ang nabubuhay na iyon ang nakakain,
sapagkat mas mura ito kumpara sa manok o baboy. Nalalason ang mga isda,
nababawasan ang pwedeng kainin, at tumataas ang bilihin. Konektado ang lahat ng
mga ito, at dapat na makontrol ng gobyerno.
5%
lamang ng populasyon ng Pilipinas ang nakakkonekta sa isang sewer system. Karamihan ay nakakonekta
sa mga septic tanks. Dahil bihira ang
mga disposal facilities dito sa
PIlipinas, madalas ay nailalabas ang mga dumi sa mga katubigan na hindi
nalilinis.
Kung
nais ng Pilipinas na maiunlad ang ekonomiya ng bansa sa bahagi ng turismo,
nararapat lamang na aksyonan ng gobyerno ang tumataas na peligro ng polusyon sa
bansa. Katubigan ang unang nakikita sa ating bansa, at katubigan din dapat ang
una natin protektahan.
No comments:
Post a Comment